5 Signs ng Genuine Business na Pwedeng Sideline
Ang taong busy na naghahanap ng agarang solusyon para makapag sideline business ayon sa kanyang schedule ay hindi na kayang mag risk study. Kailangan nya ng ready to launch system gaya ng 'franchising concept'. Ang article na ito ay nagtatalakay ng Check-list ng tunay na Sideline Business na mapagkakitaan part-time or fulltime.
IS-GP
6/27/20251 min read
Pagkatapos kong magdesisyon na maghanap ng ismarteng paraan, ang sumunod na tanong ay: paano mo malalaman kung ang isang opportunity ay totoo at hindi lang hakahaka?
Marami nang mga magagandang pangako diyan, pero bilang praktikal searcher, kailangan ko ng pruweba. Kaya bumuo ako ng checklist mula sa simpleng reaseach. Ito ang naging blueprint ko. Eto ibabahagi ko sa inyo.
Ang Aking 5-Point Checklist for a Smart Sideline Business:
Maliit ang Puhunan, Mababa ang Risk. Ang unang-unang tuntunin: hindi ito dapat maglagay sa'yo sa malaking utang. Ang tunay na oportunidad ay nagpapagaan ng buhay, hindi nagpapasakit ng ulo. Dapat abot-kaya at hindi mo ikatatakot isugal.
Produkto na Kailangan (at Gusto) ng mga Tao. Imbis na subukang magbenta ng isang luxury item, hindi ba mas matalino kung ang produkto mo ay bahagi na ng budget ng bawat pamilya? Isang bagay na de-kalidad at ginagamit araw-araw.
May Kasamang Sistema at Pagsasanay. Hindi tayo lahat business expert. Ang isang magandang oportunidad ay may kasamang step-by-step na sistema at training. Mayroon dapat "kuya" o "ate" na gagabay sa'yo. Hindi ka dapat iiwanang mag-isa. In short. mayroong mentor.
Flexible ang Oras. Hindi nito dapat agawin ang oras mo sa pamilya o sa kasalukuyan mong trabaho. Ang isang "sideline" business ay dapat kayang isingit sa mga libreng oras—isang oras sa gabi, habang nagkakape, o tuwing day-off.
May Mas Malalim na Dahilan. Ang pera ay mahalaga, pero panandalian lang ang motibasyon kung pera lang ang habol. Mas masarap kumita kung alam mong may natutulungan ka—ang iyong komunidad at ibang tao na naghahanap din ng pag-asa.
Nang mabuo ko ang checklist na ito, nagsimula akong magsala ng mga oportunidad. At sa paghahanap ko, laking gulat ko na may isang bagay na hindi lang pumasa, kundi nag-check sa lahat ng nasa listahan.
Sa susunod na article, ikukwento ko kung ano itong Modernong Platform na ito at kung bakit naniniwala akong ito na ang "Madiskarteng Paraan" para sa mga busy na tao na gustong magnegosyo.
Success Infinity Enterprises, Inc.
042 Narra Road, Dagohoy Butuan City
CONTACT US:
Tumanggap ng updates
SuccessInfinity@GawangPinoy.com
0962-857-5818
© 2025. All rights reserved. Powered by GawangPinoy.com
HUBS
Butuan City
Davao City
Cagayan De Oro City
Iligan City
General Santos City
Surigao City
Valencia City


