Negosyong Madiskarte para sa mga Taong Busy
Pagod ka na bang mapagod? May istorya dyan kung paano nalampasan ang parang imposibleng magdagdag ng sideline para sa karagdagang kita sa mababa at halos di mo matawag na puhunan.
SI-GP
6/25/20251 min read
May mga gabi ba na pag-uwi mo galing trabaho, o pagkatapos ng isang mahabang araw sa munti mong negosyo, uupo ka na lang at mapapatitig sa kawalan? Yung pakiramdam na pagod ka na sa pagiging pagod. Yung sahod na parang buhangin sa kamay, nawawala bago pa man dumating.
Ganyan ako dati. Sa araw-araw na biyahe at trabaho, madalas kong tanungin ang sarili, "Lagi na lang bang ganito?"
Nangarap din ako, na magkaroon ng sariling negosyo. Pero anong uring negosyo na hindi sasabak sa katakutakot na risk. Yong hindi na maglo-loan ng malaki, umupa ng pwesto, mamuhunan sa sangkatutak na imbentaryo. Yong hindi mo kailangang sumugal ng malaking investment na pati kinabukasan ng pamilya ay maitataya. Nakakatakot malugi.
Isang gabi, habang nag-iisip, pumasok sa isip ko na: "Kailangan talaga ng pinaka-ismarteng diskarte."
Hindi na ako naghanap ng panibagong trabaho. Naghanap na lang ako ng bagong modelo ng mga subok nang negosyo. Yong paraan na kikita ako sa sarili kong oras. Pero papaano ang diskarte ng pagsisimula ng negosyo sa mababang gastos at risk?
Ito ang naging hamon sa pagsisimula. Yong maiwasan ang hindi kinakailangang gastusin. Kung iisipin parang imposible. Pero naging POSIBLE.
May nabuo akong "checklist"— limang bagay na napapansin ko sa isang sideline business na siguradong HINDI SCAM. Pwede sa mga taong busy na kagaya natin.
Success Infinity Enterprises, Inc.
042 Narra Road, Dagohoy Butuan City
CONTACT US:
Tumanggap ng updates
SuccessInfinity@GawangPinoy.com
0962-857-5818
© 2025. All rights reserved. Powered by GawangPinoy.com
HUBS
Butuan City
Davao City
Cagayan De Oro City
Iligan City
General Santos City
Surigao City
Valencia City


